1 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Quezon

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 12:33 PM

Sumalpok ang L-300 van sa likurang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa Tagkawan sa Quezon. Larawan mula sa Tagkawayan Police

Isa ang nasawi habang 4 na iba pa ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang L-300 van sa nakaparadang 10-wheeler truck, Biyernes ng madaling araw sa Quirino Highway sa Barangay Bagong Silang sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Dead on arrival sa ospital ang sakay ng L-300 van na si Christian Aslor, 39-anyos, ayon kay Police Major Milo Tabernilla, hepe ng Tagkawayan Police

Sugatan naman ang mga kasama niyang sina Annabelle Aslor, Isidro Maravilla, driver na si Mark Anthony Palad at isang menor de edad.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Palad nang mapadaan sa malubak na bahagi ng kalsada kaya sumalpok sa likuran ng nakaparadang truck.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property ang driver ng bumanggang van.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.