Alyas 'Kamatayan', napatay sa buy-bust sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2018 06:16 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki habang arestado ang 2 nitong kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila Huwebes ng madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon, nanlaban umano si JC Castro, alyas Kamatayan, sa mga tauhan ng drug enforcement team ng Manila Police District (MPD) Station 2.

"Sinalubong kami ng mga putok nung operation namin," ani Senior Insp. Edwin Fuggan ng MPD Station 2.

Supplier umano ng droga ang suspek sa mga truck driver sa Tondo, ayon sa pulisya.

Nahuli rin ang mag-live-in partner na umano'y nagsilbing runner ni Castro. Matagal na silang minanmanan ng mga pulis.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.