Naiwan na bag sa port area ng Maasin City, ikina-alarma

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 09:15 PM

MAASIN CITY - Naalarma ang mga pasahero at otoridad Miyerkoles ng umaga sa nakitang green na bag sa guard house sa loob ng port area dito sa siyudad.

Ayon sa impormasyon mula sa Maasin City Police, isang intelligence officer ng Philippine Coast Guard ang nakapansin na tatlong lalaking pasahero ng fast craft mula Cebu City ang nag-iwan sa nasabing bag na may lamang isang kahon.

Agad rumesponde ang mga pulis at isinara ang lugar habang hinihintay ang miyembro ng explosives ordnance disposal team.

Nang buksan ang bag, napag-alaman na hindi ito bomba kundi gamit sa pag-opera.

Kinalaunan ay may isang doktor na nagpakilalang siya ang may-ari ng bag. Paliwanag niya ay hindi niya ito sinasadyang maiwan sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.