PatrolPH

Yemeni na dawit sa pagtatanim ng marijuana tiklo sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2021 11:49 AM

Yemeni na dawit sa pagtatanim ng marijuana tiklo sa Baguio 1
Huli ng mga taga-Philippine Drug Enforcement Agency ang isang banyagang nagtatanim umano ng marijuana sa Baguio City. Retrato mula sa PDEA Cordillera

Arestado nitong Sabado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking Yemeni dahil sa umano'y pagtatanim ng marijuana sa bahay nito sa Baguio City.

Ayon sa PDEA Cordillera, nagkaroon ng search operation sa bahay ng suspek sa Barangay Bakakeng Central matapos silang makatanggap ng impormasyon ukol sa aktibidad ng suspek.

Inirereklamo din umano ng mga kapitbahay ang pagiging magulo ng suspek pati ang mga kasama nitong pinaniniwalaang gumagamit din ng ilegal na droga.

Narekober sa bahay ang ilang marijuana plants at dried stalks.

Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA sa koneksiyon ng suspek at mga kasamahan nito sa operasyon ng ilegal na droga.

-- Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.