Aabot sa P4 milyong halaga ng sigarilyong idineklara bilang "paper hand towel" ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport, sabi ngayong Linggo ng Bureau of Customs (BOC).
Ie-export sana pa-Australia ng isang lokal na kompanyang nakabase sa Novaliches, Quezon City ang naturang shipment, sabi ng Customs.
Pero nang isailalim sa physical examination, natuklasang hindi pala umano mga paper towel kundi 2,520 ream ng sigarilyo ang laman nito.
Nag-isyu na ng warrant of seizure and detention dahil sa misdeclaration laban sa mga nakuhang sigarilyo, ayon sa Customs.
Posible ring kasuhan ang mga taong nasa likod ng tangkang ilegal na pag-export ng mga sigarilyo.
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Bureau of Customs, misdeclaration, cigarettes, sigarilyo, tobacco, NAIA