PatrolPH

Nasa P2-M halaga ng bloke ng marijuana, iniwan sa kalsada sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2021 08:59 PM

Aabot sa 19 na bloke ng hinihinalang marijuana ang nakuha ng Tinglayan Municipal Police at Kalinga Provincial Police sa kahabaan ng national road sa Sitio Ngilin, Poblacion, Tinglayan, Kalinga
Linggo ng umaga.

Higit P2.1 milyon ang street price ng mga nakuhang marijuana.

Nadiskubre ang mga ito na nasa loob sa 2 kahon na nakahalo sa mga binalot na dried fish at nakalapag sa daan. 

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakinlanlan at posibleng pagkahuli ng mga suspek.

- ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.