PatrolPH

Mga newly hired na nurse sa ibang bansa, 'di muna papayagang umalis ng Pinas

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2021 12:43 PM

Mga newly hired na nurse sa ibang bansa, 'di muna papayagang umalis ng Pinas 1
Health worker sa Tondo Medical Center sa Maynila, Abril 17, 2020. Jeff Canoy, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Hindi na muna papayagan ng gobyernong umalis ng bansa ang mga newly hired nurse, nursing aide at nurse assistant, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ipatutupad agad ang temporary suspension ng pag-deploy ng mga nurse, batay sa advisory mula sa Philippine Overseas Employment Administration.

Ito'y matapos umanong maabot ang taunang deployment ceiling na 5,000 health care workers.

Suspendido din muna pati ang pagproseso ng overseas employment certificate.

Pero ayon kay Bello, papayagang makaalis ng Pilipinas para sa kanilang trabaho sa ibang bansa ang mga health worker na nakakuha na ng overseas employment certificate.

Ang paglimita sa bilang ng makaaalis na health workers sa bansa ay naglalayong may sapat pa ring medical professionals sa Pilipinas sa gitna ng pandemya. 

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.