Ilang mga bayan sa Iloilo makararanas ng 12-oras brownout

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2020 01:01 PM

Ang pagsasagawa ng maintenance activity sa Sta. Barbara-Tigbauan line ang rason ng 12-hour brownout sa ilang bayan sa Iloilo.


OTON, Iloilo - Apat na mga bayan sa lalawigan ng Iloilo ang makararanas ng 12-oras na brownout Sabado.

Sa advisory na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines, magtatagal ang brownout mula 6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ng Sabado sa mga bayan ng Oton, Cabatuan, San Miguel, at Tigbauan.

Ang nabanggit na mga bayan ay sakop ng ILECO 1. 

Ang maintenance activity sa Sta. Barbara-Tigbauan 69kV line ang dahilan umano ng brownout.

Ilan naman sa mga apektado ng kawalan ng kuryente ay ang mga mananahi ng Barangay Poblacion West sa bayan ng Oton.
 
De-kuryente ang kanilang ginagamit na makina sa pagtatahi kaya habang wala pang kuryente ay paggugupit muna ng tela na gagamitin sa paggawa ng face mask ang kanilang pinagkakaabalahan. 

Sa gabi na lang daw nila ipagpapatuloy ang pagtatahi ng mga face mask kapag bumalik na ang suplay ng kuryente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.