Driver ng motorsiklo sugatan matapos mahagip ng jeep

April Rose Magpantay, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2020 01:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

NAGCARLAN, Laguna - Sugatan ang isang lalaki matapos mahagip ng jeep ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa bahagi ng provincial road ng Barangay Sta. Lucia dito sa bayan.

Ayon kay Police Master Sgt. Benedict Mercado, Martes naganap ang aksidenteng nakunan ng CCTV.

"Mabilis itong jeep. Antimano, dapat kapag [nasa] pedestrian [lane] ka, dapat magme-menor ka... Inadvise ko ang family ng victim na magsampa ng kaso pero sa sarili nilang desisyon na nagkaroon sila ng agreement, both parties at notaryado naman ang kanilang agreement," sabi ni Mercado.

Galing umano sa bayan ng Nagcarlan ang jeep at papunta sanang Sta. Cruz para kumuha ng paninda nang mahagip nito ang motorsiklong paliko naman sa kalsada.

Nagtamo ng minor injuries sa ulo ang rider ng motorsiklo at nakalabas na rin ng ospital nitong Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.