Navy, Air Force naghahanap na rin sa nawawalang diver sa Tubbataha

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 11:44 AM

MAYNILA — Mas pinaigting pa ng mga awtoridad nitong Huwebes ang kanilang search and rescue operations sa nawawalang diver sa Tubbataha Reef sa Palawan. 

Bukod sa tropa ng Philippine Coast Guard, katulong na din sa paghahanap sa nawawalang diver na si Bryan Nazareno ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Nagsagawa ng aerial search ang PCG sa karagatan ng Palawan lulan ng private plane ng gobernador ng naturang probinsiya.

Lunes nang mawala si Nazareno pero Martes lamang ito nai-report sa mga awtoridad. 

Kasama si Nazareno sa grupo ng tanyag na scuba diver at underwater photographer na si Gutsy Tuason.

Umapela ang PCG sa mga mangingisda na tumulong sa paghahanap sa nawawalang diver.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.