Motorsiklo sumemplang sa highway; 1 patay, 1 sugatan sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 04:04 AM

BATAAN - Isa patay habang isa sugatan matapos sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Mariveles, Bataan Huwebes ng hatinggabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, humaharurot umano ang motorsiklo at nawalan ng kontrol ang nagmamaneho nito habang nasa national highway sa Barangay Baseco.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente. - Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.