'Most wanted' ng Cavite naaresto sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 04:59 PM

Naaresto noong umaga ng Miyerkoles sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur ang itinuturing na most wanted sa lalawigan ng Cavite, ayon sa pulisya.

Dinampot ng mga pulis ang suspek na si Rico Sodela, 38, sa tinutuluyan nito sa Barangay Mambalite.

Kasama sa mga kasong kinahaharap ni Sodela ang rape, robbery with intimidation, at paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Nagsilbing trabahador sa construction site si Sodela habang nagtatago sa Libmanan.

Dinala na sa Cavite ang suspek.

--Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.