PatrolPH

Magkakapatid, 4 iba pa tiklo sa Sampaloc buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 05:25 AM

MAYNILA - Arestado ang 7 katao, kabilang ang magkakapatid na tulak umano ng droga, sa buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P300,000.

Target ng operasyon ang ate ng magkakapatid na si alyas Madame na itinuturong pinagkukuhanan ng droga.

Nabilhan si Madame ng P2,000 halaga ng umano'y shabu, pero dumating din sa transaksiyon sa Barangay 450 ang alalay nito at mga parokyano.

Itinanggi ng magkakapatid ang paratang laban sa kanila. Depensa naman ng iba, inabutan lang sila sa lugar nang mangyari ang buy-bust.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.