Ama sinaksak umano ng gunting ang 2 anak sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 02:29 PM

Huli ang isang ama sa Bacolod City matapos umanong pagsaksakin gamit ng gunting ang dalawang menor de edad na anak nitong Miyerkoles. 

Ayon sa Women and Children's Protection Desk ng siyudad, nagalit ang ama sa magkapatid na 3 at 2 anyos kaya niya umano sinaksak ang dalawang bata. 

Agad na dinala sa ospital ang dalawang bata, na nagtamo lamang ng minor injuries.

Ayon sa suspek, nairita siya sa kanyang mga anak pero pinagsisisihan niya na raw ang pangyayari. 

Paniwala ng pulisya na gumagamit ng iligal na droga ang suspek. 

Balak nang magsampa ng dalawang kaso ng frustrated parricide ang WCPD sa ama, na nakapiit ngayon sa presinto. 

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.