Bangka mula Leyte lumubog sa Biliran, mga sakay ligtas

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2018 08:59 PM

Larawan mula sa BiliranIsland.com

NAVAL, Biliran - Lumubog ang isang pump boat sa karagatan malapit dito sa bayan, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, may 3 sakay ang nasabing bangka na mula sa Calubian, Leyte. 

Malapit na sana sila sa bayan ng Naval nang biglang hinampas ng malalaking alon ang sinasakyan kaya ito lumubog.

Ligtas naman ang mga sakay at may-ari ng bangka. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.