Tensyon, sumiklab sa Metro Manila District Jail

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 12:51 AM

Sumiklab ang tensyon sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, Martes ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology, nagkaroon ng kaguluhan sa bilangguan bandang 6:50 ng gabi.

Sa ngayon ay tahimik na umano at nakontrol na ang kaguluhan.

Ayon kay Sola, wala naman umanong nasaktan.

Inaalam pa ang pinagmulan at kung sinu-sino ang grupo ng mga bilanggo na sangkot sa insidente. - DZMM Teleradyo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.