Dating kagawad, tiklo sa droga sa Romblon

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2017 03:56 AM

Arestado ang isang dating kagawad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Capaclan, Romblon nitong Lunes.

Nakumpiska kay Andres Aliño Madeja, 40, ang dalawang sachet na hinihinalang shabu, P1,000 na marked money, at isang motorsiklo.

Isa sa mga "high-value target" ng mga pulis sa probinsiya si Madeja.

Dinala ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang gamit, sa Romblon Municipal Police Station kung saan siya pansamantalang nakakulong.

Nahaharap si Madeja sa kasong violation of Republic Act No. 9165 o ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.