Commission on Elections Chair Atty. George Garcia during the signing of a partnership with Robinsons Mall for the Voter Registration and Register Anywhere project of the poll body for the next year’s barangay elections at the Robinsons Galleria in Quezon City on December 13, 2022. Jire Carreon, ABS-CBN News/File.
MAYNILA -
Nag-courtesy call kay Commission on Elections Chairman George Garcia si Philippine National Police Chief Benjamin Acorda Jr., Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga napag-usapan nina Garcia at Acorda kasama ang iba pang mga opisyal ng Comelec at PNP ay ang planong close coordination o ang magiging ugnayan nito sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa Oktubre.
Ayon sa Comelec, magkakaroon pa ng command conference sa mga susunod na araw.
Sabi ni Garcia, nagpasabi na siya kay Acorda na samahan sila sa pagtungo sa Negros Island para sa pagdaraos ng konsultasyon sa panukalang ipagpaliban ang BSKE sa lalawigan.
Plano din ni Garcia na kausapin si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Andres Centino na sumama na rin sa kanilang pagtungo sa Negros sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Bukod sa BSKE, inilatag din ng Comelec kay Gen. Acorda ang pagdaraos ng plebisito sa Carmona, Cavite.
“We talk about the BSKE. The policies of the Commission for this election. The Carmona plebiscite. And of course I congratulated him on his well-deserved appointment,” sabi ni Garcia.
Una nang isinulong ni Sen. Francis Tolentino ang pagpapaliban sa BSKE sa Negros Oriental dahil sa mga naitalang karahasan dito kabilang na ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Comelec, Commission on Elections, PNP, Philippine National Police, barangay and Sangguniang Kabataan Elections, BSKE, Tagalog news