PatrolPH

Hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2022 11:29 AM

Patay ang isang hinihinalang komunistang rebelde matapos umanong makaengkuwentro ng mga awotirdad sa Barcelona, Sorsogon nitong Sabado, ayon sa militar.

Ayon sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsagawa ng security operation ang mga sundalo at pulis sa Barangay Olandia dahil sa presensiya umano ng armadong grupo sa lugar.

Doon umano nila nakaengkuwentro ang nasa 12 hinihinalang miyembro ng New People's Army sa loob nang 15 minuto.

Wala namang naitalang nasugatan sa bahagi ng tropa ng gobyerno. 

Kasama sa mga narekober umano sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang rifle at M203 grenade launcher.

Sa ngayon, mahigpit na seguridad ang ipinaiiral ng awtoridad sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. 

—Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.