PatrolPH

Ina patay, mag-ama sugatan sa aksidente Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2021 12:55 PM | Updated as of Jun 05 2021 05:46 PM

Ina patay, mag-ama sugatan sa aksidente Davao de Oro 1
Pakaliwa ang motorsiklo sakay ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang salpukin sila ng humaharurot na pickup sa national highway sa bayan ng Mabini sa Davao de Oro. Larawan mula sa Mabini Police

Dead on arrival sa pagamutan ang isang ina na sakay kasama ang pamilya sa isang motorsiklo na nasalpok ng isang humaharurot na pickup sa national highway sa Purok 10, Barangay del Pilar sa bayan ng Mabini, Davao de Oro, Biyernes ng gabi.

Ayon sa driver ng motorsiklo na si Arjie Masillones, kaangkas niya ang live-in partner na si Gemman Sobriano at kanilang 1-taong gulang na anak.

Pakaliwa umano ang motorsiklo pagdating nito sa nasabing lugar nang salpukin ng humaharurot na pickup mula sa kabilang lane.

Naisugod pa ang pamilya sa Davao de Oro Provincial Hospital pero ideneklara nang patay si Sobriano dahil sa matinding natamong sugat sa ulo. Nakaligtas naman si Masillones at anak nito.

Tumakas naman ang driver ng pickup matapos ang aksidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang aksidente para matukoy ang driver ng pickup na nakabangga sa motorsiklo ng pamilya.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.