PatrolPH

3 top drug suspek, naaresto sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2021 09:00 AM

MAYNILA - Arestado ang tatlong tinaguriang high-value drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Sabado. 

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Public Information Office, nahuli ng QC Police Station 1 ang top 10 drug personality ng lugar nitong Biyernes matapos magkasa ng buy-bust operation sa Barangay San Isidro Labrador.

Ang 31 anyos na suspek ay nakuhanan ng P13,600 halaga ng hinihinalang shabu. 

Nahuli naman ng QC Police Station 7 ang number 4 drug personality ng QCPD na isang 49 anyos na babae.

Naaresto siya sa Barangay E. Rodriguez sa Cubao matapos ang buy-bust operation. 

Narekober sa kanya ang nasa P238,000 halaga ng hinihinalang shabu. 

Arestado rin ng QC Police Station 3 ang kanilang top 9 drug personality na isang 35 anyos na lalaki sa Tandang Sora. 

Inaresto rin ng awtoridad ang kasama niyang 41 anyos na babae. Nakuha sa kanila ang hinihinalang droga na may street value na P68,000. 

Nakakulong na ang apat na mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.