TINGNAN: Sitwasyon sa unang Quiapo Day habang general quarantine

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 01:00 PM | Updated as of Jun 05 2020 08:18 PM

Catholic devotees line up outside Quiapo Church in Manila on June 5, 2020 amid the general community quarantine. Only 50 devotees are allowed inside for a 5-minute prayer every 15 minutes, with disinfections in between intervals. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Marami ang pumunta sa simbahan ng Quiapo ngayong unang Quiapo Day sa ilalim ng general community quarantine sa lungsod na ito.

Pero dahil limitado lang ang puwedeng makapasok, nagtiyaga sa init sa labas ng simbahan ang maraming deboto ng Itim na Nazareno. 

Tig-50 lang ang pinapapasok kada batch para makapagdasal ng 5 minuto, habang 10 lang ang puwede sa loob sa oras ng misa. 

Watch more in iWant or TFC.tv

First come, first served ang sistema. Ibig sabihin, kailangan munang pumila para makapasok. 

Marami ang alas-3 pa lang ng madaling araw ay nasa simbahan na. 

Bago makapasok, mabusisi ang proseso no face mask, no entry, dadaan ang mga tao sa mist tent at maga-alcohol para sa sanitasyon, iche-check ang temperatura, at may markings kung saan lang puwede makaupo. 

Dahil sa physical distancing, 2 na lang ang puwedeng makaupo sa pews o bangko. Wala nang pila sa communion, at iaabot na lang ang ostiya sa mga deboto. 

Paglabas nila, panibagong trabaho sa mga staff ng Quiapo Church dahil kailangan i-disinfect muna ang simbahan bago magpapasok uli ang mga magsisimba. 

Puwede namang makinig sa misa o novena mula sa labas o sumilip sa loob ng simbahan, pero kailangan tiyakin pa rin ang physical distancing. 

May markings din naman sa Plaza Miranda kung saan puwede tumayo. 

Lima ang misa sa Quiapo Church: alas-5 ng madaling araw, alas-6 ng umaga, alas-12:15 ng tanghali, alas-3 ng hapon, at alas-4 ng hapon. 

Hinihimok pa rin ng pamunuan ng Quiapo Church ang publiko na mas mabuti pa ring mag-online mass o mag-stream sa kanilang online sites sa bahay habang may banta ng COVID-19.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.