Lingkod Kapamilya: Tulong hatid sa stranded construction workers sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 10:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos mag-viral ang Facebook post ng construction worker na si John Rey Tanggurang na nanawagang makauwi ng probinsiya, inilapit ito ng Bayan Mo, Ipatrol Mo sa kanilang amo.

Nangako naman ang kanilang amo na sasagutin ang pamasahe sa kanilang pag-uwi.

Pero dahil wala pang biyahe pa-Leyte at Bicol, kaunting tiis pa sa pagka-miss sa kanilang pamilya.

Enero 2020 nang lumuwas si John Rey sa Maynila mula Leyte, at unang beses niyang makipagsapalaran sa siyudad at umaasa siya sa magandang kinabukasan ng pamilya.

Pero nataon ang pagluwas niya sa pagsabog ng Bulkang Taal na nakaapekto sa kaniyang trabaho at ngayon, sapul din ng COVID-19 pandemic ang kaniyang hanapbuhay.

“Sobrang hirap lang talaga po. Kawawa kasi iyong pamilya namin sir. Sila na iyong kumakayod para mabigyan lang ako dito. Gusto lang namin makauwi sir kasi gusto lang namin makapiling ang aming pamilya,” mangiyak-iyak na kuwento ni Tanggurang

Ngayon, kani-kaniyang paraan sila para makaraos dahil hindi na rin kayang tustusan ng kanilang employer ang pang-araw-araw nilang allowance.

Nakikitrabaho sila sa mga kapitbahay at nagtatanim ng mga gulay sa bakanteng lote ng resort kung saan sila nananatili ngayon.

“Hindi natin alam kung kailan pa ito mawawala. kaya inaano na lang para makauwi ng probinsiya para doon na lang kami mag-ano maninirahan na ulit,” ani Renato Gasi, construction worker na taga-Sorsogon.

Dala ng ABS-CBN ang food supplies para sa ilang araw na pagkain ng grupo nina John Rey.

Naghatid din ng food supplies ang ABS-CBN sa 16 pamilyang may anak na may special needs sa Servants of Charity sa Quezon City.

“Nakita ko iyong commercial about Pantawid ng Pag-ibig from the ABS-CBN so nagkaroon ako ng isip na bakit hindi ko subukan. So nagrequest ako na mapuntahan din iyong area namin,” ani Anna Decorina ng Servants of Charity.

"In behalf of the servants of charity housing project together with 16 families and special children kami po ay lubos na nagpapasalamat sa ABS-CBN at kami ay narating niyo rito sa aming lugar. Maraming maraming salamat and may God bless you all!”

Hanggang may mga Kapamilyang nangangailangan, hindi mawawala ang mga may mabubuting kaloobang tumutulong sa pagbangon ng kapwa.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.