Barangay hall sa QC isinara muna matapos magpositibo ang 30 empleyado sa rapid test

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 01:07 PM

Isinara ang barangay hall ng Barangay South Triangle sa Quezon City nang tatlong araw matapos magpositibo sa COVID-19 rapid test ang 30 sa kanilang mga empleyado. 

"Barangay South Triangle will be suspending its operations for three (3) days starting June 5, 2020 (Friday), after 30 of its employees tested positive [in the] COVID-19 IgG Rapid test," anila sa Facebook. 

Ayon sa barangay, naka-quaratnine na ang mga empleyado at isinasailalim na ang mga ito sa PCR test. 

"Said employees were immediately quarantined and still need to undergo a confirmatory test using the PCR tests," anila. 

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 2,294 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod. 

Iginiit naman ng Barangay na maituturing na preliminary test ang pagsasailalim sa mga empleyado sa rapid test. 

Hudyat umano ito na kailangan pang isailalim sa PCR test ang mga nagpositibong empleyado. 

Ang PCR test ang maituturing na "gold standard" sa pag-test ng mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.