ALAMIN: Mga lugar sa Marikina, Taguig, Rodriguez na may water interruption

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 04:06 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang water concessionaire na Manila Water na magkakaroon sila ng water interruption sa ilang lugar sa Marikina City, Taguig City, at Rodriguez, Rizal simula alas-10 o 11 ng gabi Biyernes.

Sa Marikina City, apektado ang ilang lugar sa Barangay Concepcion Dos ng water interruption, na tatagal mula alas-10 ng gabi Biyernes hanggang alas-6 ng umaga Sabado.

Sa Taguig City, apektado ang ilang lugar sa Barangay Central Bicutan at Barangay Bagumbayan ng interruption, na tatagal mula alas-10 ng gabi Biyernes hanggang alas-4 ng umaga Sabado.

Sa Rodriguez Rizal, apektado ang ilang lugar sa Col. S.Cruz Street ng interruption, na tatagal mula alas-11 ng gabi Biyernes hanggang alas-4 ng umaga Sabado.

Ang water service interruption sa mga nabanggit na lugar ay bunsod ng gagawing emergency leak repair at pipe maintenance activities.

Inaabisuhan ang mga konsumer na mag-ipon na ng tubig bago mag-alas-10 ng gabi ngayong Biyernes. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.