SILAY CITY, Negros Occidental — Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang dalawa nitong pasahero matapos silang mabangga ng dump truck madaling araw ng Lunes.
Kinilala ang napatay na biktima na si Michael Quiatchon, 39.
Sa isang intersection sa Barangay Bagtic umano nangyari ang aksidente, ayon sa pulisya.
Nakaligtas naman sina Michelle Andrade at Charize Cobrado, parehong 21, at kasalukuyan silang nagpapagaling sa pagamutan.
Sa imbestigasyon ng Silay City police, nangyari ang insidente nang magkasalubong ang dump truck at tricycle.
Sumuko naman ang drayber ng truck sa mga awtoridad at inaalam pa kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima.
—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, disgrasya, aksidente, Negros Occidental, Silay City, tricycle, dump truck