Transport official nanakawan ng gamit sa hotel sa Tagaytay

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 08:54 AM

MANILA -- Natangay ng magnanakaw ang pera at alahas ni Transportation Assistant Secretary Elvira Medina sa isang hotel sa Tagaytay, Miyerkoles ng madaling-araw.

Nag-check in si Medina at kaniyang staff Dominique Hotel para dumalo sa isang seminar, ayon kay Tagaytay police officer-in-charge Major Rodney Baloyo.

Pero nagising aniya ang grupo dakong alas-3:30 ng umaga at nagulat na wala na ang P15,000 na cash, isang pearl necklace, 3 pares ng diamond earrings at 2 gold na singsing. 

Posibleng sa bintana sa ikalawang palapag pumasok ang kawatan, ayon sa mga imbestigador. 

Tinitingnan ng mga pulis kung may pagkukulang ang hotel at kung inside job ba o hindi ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.