Gurong nag-post ng ‘CR-converted faculty room’, ipinagtanggol

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 04:41 PM | Updated as of Jun 05 2019 04:51 PM

MAYNILA—Pinanigan ng grupong Alliance of Concerned Teachers ang isang guro na nanganganib na makasuhan matapos na mag-post sa social media ng paggamit nila ng mga comfort room bilang faculty room sa isang paaralan sa lungsod ng Bacoor, Cavite.

Kinondena ng ACT ang intimidasyon mula sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) laban sa gurong si Maricel Herrera, pangulo ng faculty club ng Bacoor National High School.

"We denounce DepEd Secretary [Leonor] Briones’ lie that the case is an isolated one, further, her contemptuous remark that teachers chose to stay on the shabby faculty area because it is ‘more dramatic and touching.’ Equally, we condemn the school principal’s threats of suing Ms. Herrera, allegedly for ‘disparaging the reputation’ of the education agency and the school,” sabi ng grupo sa isang press release.

Nagbanta na ang principal ng paaralan na si Anita Rom na sasampahan si Herrera ng kasong administratibo, cyber libel at destruction of government facility.

Ayon kay Herrera, napilitan umano ang mga guro ng paaralan na gawing faculty room ang CR matapos silang paalisin sa faculty room na gagamiting silid-aralan.

Iginiit naman ni Rom na hindi niya iniutos na sa comfort room mag-opisina ang mga guro.

"What Ms. Herrera is being made to suffer right now is a clear case of union repression and violation of her academic freedom. She is being shamed and punished for speaking truth to power, a courageous act to stand for the welfare of teachers who were plopped in a dismal condition, but the powers-that-be took offense and now threatens her employment," sabi ng ACT.

Dagdag ng grupo ang sitwasyon ng mga guro sa naturang paaralan ay di na bago. Ganito rin anila ang sitwasyon sa ibang pampublikong paaralan tulad ng Bagong Silang Elementary School sa Quezon City; Calderon High School sa Maynila at iba pa.

Ito umano ay isa lamang sa mga indikasyon ng kakulangan sa pasilidad sa pampublikong paaralan.

"Bringing it out in the open is simple truth-telling and is aimed at calling the attention of the authorities to address the education crisis, a citizen’s basic right in a democracy,” sabi nila.

Maaari naman umanong sagutin na tutugunan ang isyu pero sa halip, paparusahan pa ang guro.

"The deficiencies are of the government’s doing and not of the teachers’. The agency, though, seems to not be getting any nearer to squarely confronting the problem," dagdag ng grupo.