Diver nawawala sa Tubbataha Reef sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 01:25 PM | Updated as of Jun 06 2019 03:06 AM

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang diver na naiulat na nawawala habang sumisisid sa Tubbataha Reef sa Palawan noong Lunes.

Ayon sa search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG), bandang alas-4 ng hapon Lunes daw nang magtungo si Bryan Nazareno sa Tubbataha pero Martes ng tanghali lang ito nai-report sa kanila. 

Agad nagpadala ang PCG ng kanilang frogmen mula sa Special Operations Group at Medical team sakay ng BRP Cabra para sa search and rescue ops. 

Batay sa ulat, lulan daw si Nazareno ng barkong Palau Sport at pumalaot sa Amos Rock sa Tubbataha, Palawan hanggang sa ito ay mawala.

Nag-abiso ang PCG sa iba pang mga sasakyang pandagat at mga mangingisda na agad ipagbigay alam sa kanila sakaling mamataan sa laot si Nazareno.


—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.