PatrolPH

Dalagitang may kapansanan sa pag-iisip, hinalay umano ng 3 lalaki sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 04:39 AM | Updated as of Jun 05 2019 07:10 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaki sa Maynila nitong Miyerkoles matapos umano nilang halayin ang isang dalagita na may kapansanan sa pag-iisip.

Kuwento ng ina ng biktima, ginahasa ang kaniyang 17 anyos na anak ng 3 lalaki sa isang bahay sa Tondo Sabado ng gabi.

"Sinundan daw po siya at dinala sa bahay. Sinabi na hinubaran... minanyak nila," aniya.

Tulala umanong umuwi ng bahay ang dalagita hanggang sa isiniwalat nito ang nangyari sa kaniya.

Ayon sa pulisya, pinagamit umano muna ng droga ang biktima bago gahasain.

"Hindi mo ma-imagine na may ganung tao na kayang pagsamantalahan ang may kapansanan sa pag-iisp. Dinala dun, pinagdroga, binaboy," ani Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Manila Police District (MPD) Station 1.

Sa follow-up operation, nahuli ang 2 suspek habang nakatakas ang isa.

Depensa nila, hinipuan lamang nila ang dalagita at ang nakatakas na kasamahan ang gumalaw umano rito.

"Gawa lang po ng kalasingan," pahayag nila.

Mahaharap sila sa kasong rape in relation to child abuse. - Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.