70,000 trabaho alok sa ikinasang 'Independence Day' job fair ng DOLE

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 01:58 PM | Updated as of Jun 10 2019 07:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nasa 70,000 trabaho sa bansa at abroad ang alok sa mga aplikante sa 22 job fair site sa iba-ibang panig ng bansa sa Hunyo 12, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Idaraos ang mga job fair kasabay ng paggunita sa ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Nasa 560 employer, kabilang ang 461 lokal at 99 overseas, ang makikilahok sa mga job fair, ayon sa ulat ng Bureau of Local Employement ng DOLE.

Sa mga lokal na trabaho, pinakamaraming may bakante ang mga posisyong production machine operator, production worker, factory worker, customer service representative, call center agent, sewer, sales clerk, cashier, delivery crew, service crew, at marketing officer.

Para naman sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, nangunguna sa mga may bakante ang cleaners, professional nurses (general), waiters o waitresses, service crew, company drivers, registered midwife, staff nurse, English teachers, janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.

Ang mga nabanggit na job order ay para sa mga bansang Bahrain, Germany, Japan at Saudi Arabia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.