PatrolPH

3 patay, sanggol sugatan sa pananambang sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 01:50 PM | Updated as of Jun 06 2019 01:42 AM

Watch more on iWantTFC

Patay ang 3 lalaki habang sugatan ang isang sanggol matapos tambangan ang sinasakyan nilang kotse sa Santa Rosa City, Laguna Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ng Santa Rosa police, nasawi sa ambush ang hepe ng mga barangay tanod na si Nestor Callanga, ang kaniyang biyenan na si Carlos Manimtim, at kapuwa tanod na si Melincio Patapat.

Nasugatan naman sa insidente ang 8 buwang gulang na anak ni Callanga.

Hinarang ng isang van at motorsiklo ang kotseng sinasakyan ng mga biktima sa may Barangay Dita saka pinagbabaril ang mga ito, ayon sa imbestigador na si Police Master Sgt. Jose Farrol III.

Tinatayang nasa 4 salarin ang nagsagawa ng pananambang, ani Farrol.

Base sa imbestigasyon, si Callanga ang target ng mga salarin. Love triangle at away sa droga ang tinitingnang motibo ng mga pulis sa pamamaslang. --Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.