PatrolPH

Sunog sumiklab sa residential area sa Navotas

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2022 10:49 PM

Isang residential area sa Tanza 1, Navotas City ang nasunog Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 7 ng gabi sa bahagi ng Silahis Street.

Nasa limang pamilya ang apektado ng sunog na nagmula sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Dikit-dikit ang mga bahay sa lugar at maraming nakasalabat na kable ng kuryente kaya’t agad kumalat ang apoy.

Maraming bumbero naman mula sa kalapit na lugar ang rumesponde kung kaya’t mabilis ding naapula ang apoy.

Dakong 7:30 ng gabi nang tuluyang naapula ang apoy—- inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi at magkano ang pinsala ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.