Municipal hall ng 2 bayan sa Maguindanao, naka-lockdown dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2021 09:56 PM

COTABATO CITY — Isinarado pansamantala ang municipal hall ng mga bayan ng Datu Odin Sinsuat (DOS) at Datu Blah Sinsuat (DBS), Maguindanao simula Miyerkoles matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga empleyado nila.

May dalawang kawani ng DBS LGU ang nahawaan ng sakit at symptomatic ang kalagayan. Isang empleyado din ang nagpositibo sa DOS. 

Magsasagawa ng disinfection sa mga apektadong gusali.

Hindi pa inanunsyo kung kailan muling magbubukas ang mga municipal hall pero magpapatuloy naman ang kanilang serbisyo sa kanilang mga official Facebook page, email address at hotline number.

Pumalo na sa 231 ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa Maguindanao nitong Miyerkoles, base sa pinakahuling tala ng BARMM Ministry of Health.

--Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.