PatrolPH

Babae tiklo sa pagnanakaw ng mga disinfectant sa supermarket sa Malate

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2021 06:45 AM | Updated as of Jun 04 2021 07:17 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Kulong ang isang babaeng shoplifter sa isang supermarket sa Adriatico Street, Malate, Maynila Huwebes.

Labindalawang piraso ng disinfectant spray ang nakuha mula sa bitbit niyang bag, bago pa siya makaalis sa supermarket.

Hinarang siya ng guard nang makitang palabas na ang babae nang hindi dumaraan sa cashier para bayaran ang mga kinuhang item.

Nang makita ang mga disinfectant spray sa kaniyang bag, hiningan pa siya ng resibo pero walang maipakita ang babae na patunay na nakapagbayad siya.

Nasa P4,000 rin ang halaga ng mga disinfectant spray na sinubukang tangayin ng suspek, na residente ng Pandacan at walang trabaho.

Kasong theft ang isinampa laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.