MAYNILA — Umabot sa P2 bilyon ang halaga ng samu't saring mga pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Baclaran, Paranaque City.
Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order mula sa BOC, sinalakay ng mga tauhan ng Customs-Intellectual Property Rights Division at Customs Intelligence and Investigation Service ang naturang bodega.
Tumambad sa mga awtoridad ang mga counterfeit na sapatos, damit, shampoo, pabango, bags at iba’t ibang kilalang brand ng produkto.
Ayon sa Customs, paglabag ito sa Customs Modernization and Tariff Act at Intellectual Property Code of the Philippines.
Sa records ng BOC, ito na ang pinakamalaking mga counterfeit products na nasabat nila ngayong taon.
Paalala ng BOC, maaaring nagtataglay ng mga toxic chemicals ang mga pekeng pabango, cosmetics, at beauty products na delikado sa kalusugan ng tao.
Hindi naman tinukoy ng Customs kung sino ang may-ari ng mga nasabat ng fake products at kung may naaresto sa kanilang operasyon.
—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
KAUGNAY NA MGA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, smuggling, Bureau of Customs, BOC, fake, fake products, counterfeit, smuggler, Customs