'Pantawid ng Pag-ibig': Ilang ospital sa Bulacan hinatiran ng protective gear

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 08:20 PM | Updated as of Jun 04 2020 10:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dose oras na shift ang binubuno ng mga medical personnel sa bagong tayong COVID-19 facility sa Malolos, Bulacan, kung saan dinadala ang lahat ng positibong kaso sa buong probinsiya.

Mas mahaba ito nang 4 na oras sa inirerekomendang shift ng Department of Health (DOH), pero wala silang magawa dahil isang paraan ito para makatipid sa personal protective equipment (PPE).

"Kumpleto kami sa frontliners wala kaming problem, ang problem namin dito mga consumables namin... 60 medical-grade PPE ang nako-consume namin per day," ani Dr. Protacio Badjao, facility head.

Bago pa magkaroon ng COVID-19 facility ang Malolos, isa sa mga naunang tumanggap ng pasyente ng naturang respiratory illness ang Baliuag District Hospital.

Sariwa pa sa chief of hospital na si Angelito Trinidad ang takot at pangamba na naranasan nang mahawahan ang 2 sa kanilang hanay.

"We had one doctor and one nurse who got infected," ani Trinidad.

"Hangga't walang vaccine, we have to be protected here at the emergency room," aniya.

Kabilang ang pasilidad sa Malolos at Baliuag District Hospital sa 2 ospital sa Bulacan na hinatiran ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng mga medical-grade PPE na body suit, face shield, N-95 mask, goggles, gloves, head cap, at shoe cover.

Nagdala rin ng mga PPE sa mga ospital sa Quezon City, Mandaluyong at Laguna.

"Malaki ang pangangailangan ngayon. Sa supply namin, wala nang one month 'yong supply namin, kapos na," ani Badjao.

"Ngayon sa tulong ng governor ng Bulacan, ng DOH, ng NGOs (non-government organizations), kumpleto ang supply natin at umaasa kami na patuloy pa rin na dadating ang mga PPE natin," ani Trinidad.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.