Heat index sa Butuan pumalo sa 52 degrees Celsius

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 09:22 PM

Nagtala ng heat index na 52 degrees Celsius ang Butuan City nitong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Alas 2 ng hapon naitala ng PAGASA ang init sa Butuan, na nanguna sa may pinakamataas na naitalang heat index nitong Huwebes. Noong Mayo 6, umabot sa 53 degrees Celsius ang heat index din sa Butuan.

Sumunod sa Butuan ang Dagupan City at Science City of Munoz na nagtala ng 47 degrees Celsius.

Nagtala din ng 46 degrees Celsius ang Sangley Point, Cavite habang 5 pang lugar ang nagtala ng 45 degrees Celsius.

 

Ayon sa PAGASA, magdudulot ng panganib ang 41-54 degrees Celsius na heat index. Posible ang heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kapag tuluy-tuloy ang physical activity.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.