'Contactless' sanitizer dispenser ipinamigay sa mga eskuwelahan sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 01:38 PM

Isang contactless hand sanitizer dispenser ang binuo ng grupo ng mga kabataan sa Camalaniugan, Cagayan at ipinamigay sa mga paaralan. Retrato mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Sapping, Camalaniugan

Gamit ang tubo, gumawa ng hand sanitizer dispenser ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Sapping sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan. 

Contactless ito dahil hindi na kailangang hawakan ang hand sanitizer at tinatapakan lang ang dispenser.

Dahil contactless o hindi na kailangang hawakan ang mismong sanitizer, maiiwasang magkahawahan ng sakit ang mga gagamit nito, ayon kay SK chairperson Jhemarie Tamanu.

Sa ganoong paraan ay mahihikayat din umano ang publiko na gumamit ng sanitizer at panatilihing malinis ang kanilang mga kamay.

Ibinigay ang dispenser sa Camalaniugan National High School at Lyceum of Camalaniugan para makatulong sa paghahanda ng mga ito sa pasukan.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.