'Iftar for a Cause' isinagawa sa UP Diliman

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 02:50 AM

MAYNILA - Isinagawa ng US Embassy kasama ang UP Institute for Islamic Studies ang taunang "Iftar for a Cause" sa UP Diliman Lunes ng gabi.

Ang "iftar" ay isang salo-salo na nagma-marka sa pagtatapos sa isang araw na naman ng pag-aayuno o fasting ng mga Muslim nitong buwan ng Ramadan.

Sa ikatlong "Iftar for a Cause," sama-samang naghapunan ang mga kinatawan ng iba't ibang relihiyon bilang pakikiramay sa kalagayan ng mga Muslim sa buong mundo.

Kabilang dito ang mga biktima ng Marawi siege sa Mindanao, Uighur Muslims na inu-usig sa China, at Rohingya Muslims sa Burma.

Nanawagan si UP President Danilo Concepcion na mag-alay ng panalangin sa mga kapatid na Muslim hindi lang sa Marawi kundi sa buong mundo.

"We are gathered here today to remember these victims of violence as we offer our prayers and help spread the message of global peace," aniya.

Nanindigan naman si US Embassy Deputy Chief of Mission John Law na magpapatuloy ang Estados Unidos na ipaglaban ang freedom of religion.

"The United States government defends the freedom of religion wherever we go, especially those of religious minorities," aniya. "We're in support of those people who suffered terribly during the siege of Marawi."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.