P250-M halaga ng shabu, nakuha mula sa Taiwanese

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2017 01:35 PM | Updated as of Aug 06 2017 11:54 AM

MANILA - Tinatayang P250 milyon na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang Taiwanese national sa Baclaran, Parañaque nitong Sabado ng gabi. 

Umabot sa 50 kilo ang droga na nakuha sa high-value target na si Chien Teho Chang, na noo'y nakaparada sa isang hotel. 

Nahanap ang droga sa ilalim ng mga tuyong isda na nakasilid sa 3 styrofoam na kahon sa loob ng Toyota Vios ni Chang, ayon kay Senior Supt. Graciano Mijares, hepe ng police Drug Enforcement Group. 

Mahigit 2 buwan na minanmanan ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek bago siya naaresto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.