MMDA handa na trapik sa unang araw ng pasukan

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2017 06:13 PM

MANILA - Tiniyak ng Metro Manila Development Authority ngayong Linggo na nakahanda na sila sa inaasahang pagsisikip ng trapik kasabay ng pagbabalik sa eskwela ng mga estudyante sa Lunes. 

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Tim Orbos, OIC general manager ng MMDA, na nakalatag na ang lahat ng kanilang mga plano sa mga lugar sa Metro Manila na karaniwang nakakaranas ng matinding trapik tuwing magbubukas ang klase. 

Humingi naman ng tulong si Orbos sa mga lokal na pamahalaan ukol sa problema ng pagbaha na nagpapalala sa trapik. 

Aniya, dapat atasan ng local government units ang mga restaurant na magkaroon ng water treatment facility na sasala sa mga sebo na humahalo sa tubig-baha. 

DZMM TeleRadyo, 4 Hunyo 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.