PatrolPH

Bahagi ng bundok sa Aklan gumuho dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2023 04:42 PM

Larawan mula kay Kyle Tupas
Larawan mula kay Kyle Tupas

Pansamantalang hindi madaanan ang kalsada sa Brgy. Gibon, Nabas, Aklan, nitong Sabado ng tanghali matapos gumuho ang bahagi ng bundok at tumabon sa kalsada.

Inabisuhan na ng mga awtoridad ang mga motorista na papuntang Boracay na pansamantalang dumaan muna sa Libertad, Antique, para sa alternatibong ruta.

Patuloy pa ang ginagawang clearing operation ng DPWH Aklan, MDRRMO Nabas at Nabas Engineering Office para makuha ang mga nakahambalang na lupa sa kalsada.

Gumuho ang lupa sa lugar matapos ang ilang araw na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyong Betty.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.