PatrolPH

P360-K halaga ng pananim na marijuana, nakumpiska sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2022 12:01 AM

CALAYAN, Cagayan— Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mga pananim na marijuana sa Barangay Babuyan Claro sa Calayan, Cagayan Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Police Region Office 2, nakatanggap ang Calayan Police Station ng impormasyon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga suspek.

Mayroon din nakatanim na mga marijuana sa likod ng bahay ng isang suspek, ayon pa sa impormasyon.

Sa ikinasang operasyon ng pulis, natagpuan ang 15 fully-grown marijuana plant na agad nilang binunot. May kabuuang timbang ang mga ito na 3 kilo at nagkakahalaga ng P360,000.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

- ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.