PatrolPH

Mga nagka-COVID-19 sa paayuda event ng QC councilor, nasa 73 na

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2021 10:04 PM

MAYNILA — Umakyat na sa 73 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 mula sa isinagawang food distribution na inorganisa noong Mayo 25 ni dating basketball player at ngayon ay District 3 Councilor Franz Pumaren sa Barangay Matandang Balara sa Quezon City.

Sa kabuuang bilang, 67 ang positibo sa RT-PCR test habang 6 ang nagpositibo sa antigen test, ayon sa pinakahuling ulat ni Dr. Rolly Cruz ng QC epidemiology and surveillance unit.

Maaalalang ipinatawag ng alkaldeng si Joy Belmonte si Pumaren sa umano'y paglabag sa health protocol ng food distribution activity na inorganisa nito.

Aabot umano sa 6,000 ang pumila sa event ni Pumaren. - ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.