PatrolPH

Higit P1.5-M halaga ng hinihinalang marijuana nasabat sa Mountain Province

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2021 08:53 PM

Higit P1.5-M halaga ng hinihinalang marijuana nasabat sa Mountain Province 1
Kuha ng PRO-Cordillera

Higit P1.5 milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Sadanga, Mountain Province nitong Huwebes.

Nahuli ang suspek na si "Rod", 21, sa naturang checkpoint sa Brgy. Poblacion sa isang sinakyang PUV bus kung saan dala-dala niya ang nasa 15 na mga marijuana brick na may bigat na halos 13 kilo.

Aabot sa P1.5 million ang estimated street value nito, ayon sa mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ng Sadanga Municipal Police ang suspek na mahaharap sa kasong transport of illegal drugs.

--Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.