PatrolPH

2 patay sa pananalasa ng 'Dante' sa Calubian, Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2021 12:17 PM

2 patay sa pananalasa ng 'Dante' sa Calubian, Leyte 1
Pinsalang iniwan ng hagupit ng Bagyong Dante sa isang residential area sa Calubian, Leyte. Retrato mula kay Ronald Sabuya

Dalawa ang nasawi habang isa ang nawawala matapos manalasa ang Bagyong Dante sa bayan ng Calubian, Leyte, sabi ngayong Huwebes ng mga disaster official.

Kinilala ng Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga nasawi bilang isang 51 anyos na taga-Barangay Casingan at isang 8 taong gulang na taga-Barangay Padoga.

Nawawala naman ang isang 1-taong gulang mula Barangay Padoga.

Ayon sa mga residente, umabot hanggang lampas tao ang baha sa ilang lugar sa bayan.

Nasira rin umano ang ginagawang tulay sa Barangay Kokoy Romualdez at nagkaroon ng landslide sa isang paaralan.

Patuloy ang pagsasagawa ng assessment ng mga lokal na opisyal sa pinsalang iniwan ng Bagyong Dante, na nagdala rin ng malalakas na ulang nagdulot ng baha at landslide sa iba pang bahagi ng bansa.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.