Tumatangap sila ngayon ng mga donasyon na lumang laptop na nasa maayos pang kondisyon pero hindi na ginagamit. Retrato mula kay Icon De Jesus
MAYNILA — Isang grupo sa Makati City ang nangangalap ngayon ng mga pinaglumaang laptop para i-donate sa mga batang walang gadget, kasabay ng paghahanda sa nakaambang "blended learning" sa paparating na school year.
Sa ilalim ng blended learning, gagamit ng telebisyon, radyo, at internet ang mga estudyante para sa pag-aaral nilla, at kung maaari ay iiwas na sa face-to-face interaction kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Icon De Jesus, nagsimula ang proyekto nila nang mabatid ng isa sa kaniyang mga kaibigang guro na hindi lahat ng kaniyang mga estudyante ay kayang bumili ng laptop.
Tumatangap sila ngayon ng mga donasyon na lumang laptop na nasa maayos pang kondisyon pero hindi na ginagamit.
Balak nilang ayusin ang mga lumang laptop para magamit ang mga ito sa video conferencing at online learning gamit ang web-based apps.
Nagsimula na ang grupo na mangalap ng mga donasyon gamit ang social media.
Sila na rin ang nag-aayos ng courier service para makuha ang mga donasyon.
Narito ang Facebook page nina De Jesus kung saan maaaring makipag-ugnayan para sa donasyon:
https://www.facebook.com/icondejesus/posts/241834267269319/
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, COVID-19, online class, laptop, donation, e-learning, blended learning, edukasyon, donasyon