PatrolPH

DOST may alok na entrepreneur assistance program sa mga umuuwing OFW

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 01:43 PM

MAYNILA - May ayudang alok ang Department of Science and Technology para sa mga umuwing overseas Filipino workers na gustong magnegosyo sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay DOST chief Fortunato Dela Pena maaaring mamasukan sa technology-based na negosyo ang mga interesadong OFW.

Malaya aniya silang makapili kung anong negosyo ang papasukin, depende sa technical o professional expertise nila.

"When I say technology-based it might take a wide range. It could mean food processing, it could be metal working, or fabrication, it could be in electronics. It could be in furniture and other housewares. It can be in the field of agriculture. They can also do services,” ani Dela Pena.

Una, isasalang sila sa test para malaman ang kanilang entrepreneural competencies at matukoy kung anong klaseng negosyo ang angkop para sa kanila.

Bibigyan din sila ng access sa kanilang mga laboratory at pilot plants at iuugnay sa network organizations at advisers na tutulong sa kanila para sa business plan.

Tutulong din dito ang DOST sa pondo na kailangan nila sa pagbili ng mga kagamitan, lisensiya sa technology na gagamitin o product development at laboratory testing kung kinakailangan.

Plano nilang palawakin ang programa para sakupin ang iba pang probinsiya upang makatulong na rin sa pagpapalakas ng "Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program”

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.