Dine-in sa mga restoran sa Baguio City pinayagan na

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 06:13 PM

BAGUIO CITY — Pinayagan na ang dine-in sa mga restoran sa lungsod na ito matapos ipatupad ang modified general community quarantine (MGCQ). 

Ngayon ang ikatlong araw ng MGCQ sa Baguio City, at marami na ang mga nagbukas na establisimyento. 

Pinayagan na rin ang dine-in sa loob ng mga restoran pero kailangan munang inspeksyunin ang mga kainan bago tumanggap ng mga kostumer. 

Pinaalalahanan din ang mga may-ari ng kainan na disposable na kubyertos ang gagamitin at isang kostumer kada lamesa lang dapat.

Araw-araw din na mag-iikot ang mga government staff para tiyakin na nasusunod ang mga protocol sa loob ng mga kainan. —Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.